Wednesday, February 3, 2010

Bata, bata, may kraz ka na?!

Umuwi si Ging for lunch today.

"Mommy, nakakatawa si Angelo at Carl Fritz."

"Bakit?" tanong ko habang sumasandok ng sinigang sa serving bowl.

"Kasi mag-best friend sila pero crush nila pareho, si Alex," sabay hagikgik sa salitang "crush."

"Sus," say ko in my best nagmamalinis-dahil-ina-ako voice. "Ke bata-bata nyo pa may mga crush-crush na kayo?"

Wait for thunder and lightning to strike me. Wala naman. Whew. Na-realize ang pagka-ipokrita ko.

"Eh ikaw, meron na?" sabay akyat ng kilay sa 44th floor ng noo ko.

"Wala po!" Angelic smile si Ging. Hmnnn.

"Well, okay lang naman yang crush kung ina-admire nyo lang. Yung humahanga lang sa isang person." Sabayy kambyo ng ganun, oh!

Napakunot ilong si Ging. Tapos bigla nag-clear.

"Uhm, ako po may ina-admire..."

Muntik nang ilaglag ang bowl ng sinigang at platito ng toyo. "SINO?!?"

"Si ___ po." (WAG I-TAG SI GING! SECRET NAMIN TO!)

"Ahhh yung ___ honor nyo? Kasi matalino siya?"

"Opo, saka nice sya, lagi siyang nagsa-smile sakin. Pero minsan nagpe-play din siya with the other boys na noisy."

"Ahhh, okay. Basta admire-admire lang ha, wala muna yang boyfriend-bofriend." Self-righteous mode. Wait ulit baka dumating na ang kidlat.

"YUCK!" sabi ni Ging sabay acting na nasusuka. "Bleah!"

Gooood. Freeze this moment. Wag na dumating sa 12, 14 or 16 years old na siya. SCARY!!!

No comments:

Post a Comment