Written June 1, 2012. Yeah, that day was not a great day to send me an SMS... :)
Mga bagay-bagay na tinetext natin/satin na di natin alam (or
malimit alam natin pero kebs!) e nakasusuya sa kapwa (at guilty rin ako
dati sa ilan dito, especially #1):
1. Chain texts.
Yung mga may send this to 48 friends within a certain number of minutes and you will
receive a blessing/gift/miracle at pag hindi ay may karampatang
sumpang ipapataw sayo. Kelan pa naging barometer ng kapalaran ang mga
walang makatext na taong sabik gamitin ang unlitext service nila?
(Eeeek, mag-eexpire na ang 20 pesos ko, wala man lang ako nakatikitext
sa loob ng bente kuwatro oras! Sayang! Kelangan gamitiiiiin!!!)
Oftentimes, ginagamit pa pangalan ni God at mga santo't santa para may
holiness factor ang mirakulong ibebestow sayo.
2. "Pa-share a load naman."
Unless super emergency, close tayo at talagang ikaw ay nagbabayad (or
katabi kita at kaliwaan ang load payment), kalimitan ako ay napapa-huh
dito. Mukha ba kong loading station? Ang plan ko nga ay unlimited
surfing e, hindi load wallet. At diba, mahihiya ka pa na maghabol para
singilin ang dos pesos na pinasaload sayo?
3. "MiZ q Nah Qeouh!"
Natilas ba yung dila mo kaya pilipit ka magsalita, ergo, it also
transalates to how you text? Hindi ko alam if nagtitipid ka sa
characters dahil hindi ka unli, but since may mga extra letters,
nalulungkot ka ba pag hindi nagagamit lahat ng letra ng alpabeto sa mga
messages mo?
4. Offers for cash loan/pre-approved credit/insurance claim with free gift (na redundant naman. Gift nga e. May gift bang may bayad?), etc. Spam spam spam!
5. "You have won 100 million pesoses through an electronic raffle using cell phone numbers! Just send 10k to claim." WEH?!?
Nanalo ka na nga tapos may down payment pa? Minsan, nanghihingi pa ng
load. Nagpapapremyo kayo ng milyones, pang-load wala kayo?! Tapos galing
lang sa cellphone number? Kalimitan may pa-DTI-DTI seal of authenticity
pa ang mga scammers.
6. Mga wrong-send messages kuno
na naghahanap lang ng katext, kasi pag nireplyan mong, Who is this,
ayan na, sisimulan ka na chikahin. At ang ending.... teh, pa-share a
load naman! Boog.
7. Random obscene messages."Malaki
ba toot mo?" "Gusto mo SOP?" "so-and-So has a sex scandal video, view
on chenes website!" Uunlad ba ang pamumuhay ko at aahon ba sa kahirapan
ang Pilipinas kuing sagutin ko mga tanong na ito? Ako sagutin mo: PERV
ka ba?!
Ahahaha! I like this! I can relate. Pinakamadalas yung 4 at 5. Meron din yung kunyari nawala ang roaming at humihingi ng pera! CHIEH!
ReplyDelete