Let me tell you about my short stint pagtira dito sa Makati nung 2004, at naalala ko ang unang araw ko sa Makati Business District. First job ko sa Convergys, November 2004, at 6 weeks ang training sa Insular. Di ko keri magcommute LB-Makati everyday so nag-drom, for the firt time ever, ang 'syana.
Umalis ako sa dorm ng mga 12.40 pm, ala-una ang klase ko. Kakalipat ko lng the night before sa masikip at madilim na dormitoyo ni Aling Helen Chua. Killer corporate bitch ang porma: pinstripe pants, starched white blouse at mega-high heels, may shades pa para kumpleto ang drama. Sakay ako ng jeep from Kamagagong St at baba ako sa may Makati Fire Station. Tawid ako sa dating ginagawa pang People Support para sumakay ng jeep pa-Ayala.
Everything was going well. Nag-blend in ang 'syana at parang taga-Makati talaga ako. Maya-maya, tumigil ang jeep sa isang intersection (Makati Ave ata). Ang tagal nakatigil. Tinignan ko ang relo ko. Ten minutes to 1. Potah male-late pa ata ako sa 1st day ko sa work. Naisipan kong lakarin na lang. Dinungaw ko ang labas at tanaw na ang Insular. Feeling nasa LB ako, kung san pwede bumaba anywhere at walang traffic ruels whatsoever, bumaba ako sa jeep. Weird nga e, parang tumingin sa akin lahat ng pasahero.
Go ako sa sidewalk para magsimulang lumakad. But no... may rehas ang sidewalk. As in buong kahabaan ay may bakod, at wala akong masusuutan para makaali sa kalsada. TRAPPED ang lola nyo. Natanaw ko na may papalapit na traffic aide. Dyahe akong bumalik ulit sa jeep, at nagsimula nang kumilos ang mga sasakyan.
Taena, traffic light pala kaya nakatigil. Panic mode ako!!! Iniisip ko nang mag-ober da bakod in all my business casual attire glory (potah ayoko ma-jay walking) nang mapansin ko ang isang mamang naka-motor, paamba nang umandar. Nakatingin sya sa akin, with a look somewhere between pity and amusement. Kinapalan ko na nag fez ko, wa ako pang-fine sa jaywalking at ayoko masisante sa unang trabaho ko.
"Manong," sabay lapit ko sa kanya, " pwede ba makiangkas, hanggang Paseo de Roxas lang po, plis?"
Naawa si Manong at tumango, oo, at since hindi naman sya mukhang rapist or mandurugas (pero di rin sya hunk, sigh), may-I-sama ako sa likod nya at go kami sa net traffic stop. Paglingon ko ay malayo na ang traffic aide na napakamot na lang ng ulo.
No comments:
Post a Comment